dzme1530.ph

Importasyon ng 330K MT bigas, ilegal —dating Agri. sec.

Ilegal ang gagawing pag-aangkat ng 330,000 metrikong toneladang bigas ng Department of Agriculture (D.A) at National Food Authority (N.F.A) ayon kay dating Agriculture secretary Leonardo Montemayor.

Ayon sa dating D.A sec., sa ilalim ng Republic Act 11203 on the Rice Tariffication Law ang kakulangan ng NFA sa suplay ng bigas ay dapat manggaling sa mga lokal na magsasaka at hindi sa ibang bansa.

Nabatid na layon ng pag-aangkat ng NFA na mapunan ang kakulangan ng bansa sa buffer stock ngayong taon.

Samantala, ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, oras na para ibalik sa NFA ang mandato na mabigyan ito ng sapat na pondo upang makabili ng kailangang rice supply mula sa mga magsasaka sa bansa.

About The Author