dzme1530.ph

Impormasyon hinggil sa umano’y asylum request ni FPRRD sa China, hindi nakarating sa Malakanyang

Loading

Walang nakarating na impormasyon sa Malakanyang hinggil sa asylum request ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Atty. Claire Castro hindi ito ang mga lumalabas na impormasyong nakararating sa Palasyo.

Tanging ang detalye aniya na pa-uwi na ng Pilipinas ang dating Punong Ehekutibo mula Hong Kong, noong March 11, ang natanggap ng Palasyo.

Una nang napaulat na humiling ng asylum si Duterte sa China ngunit na-deny o tinanggihan ito.

About The Author