dzme1530.ph

Impluwensya ni Michael V. sa Filipino audience, kinilala sa 20th edition ng pop culture convention ng TOYCON PH

Ginawaran ang Actor-comedian na si Michael V. ng “Pinoy Pop Culture Icon Award” sa 20th edition ng pop culture convention ng TOYCON PH.

Ito ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng aktor sa television, film, music, at digital space, pati na sa kanyang impluwensya sa Filipino audience.

Sinabi ni Bitoy na isa ring toy collector na ang ibinigay sa kanyang award ay sumasalamin sa kanyang pagkatao kaya naman napaka-espesyal nito sa kanya.

Kabilang sa past recipients ng award ay sina yumaong Mars ravelo na nagpakilala sa iconic Filipino superheroes, gaya nina Darna, Captain Barbell, at Lastikman; cosplayer at E-sports talent agency co-founder na si Alodia Gosiengfiao; “Pugad Baboy” author na si Pol Medina Jr.; at Berlin H. Manalaysay na nakilala sa paglikha ng Combatron character. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author