Nais ni Sen. Sherwin Gatchalian na pag-aralan at busisiin kung epektibo ang paggamit ng mother tounge language sa pagtuturo sa ilalim ng K-12 curriculum.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Gatchalian na panahon nang magsagawa ng national impact evaluation sa implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) Program.
Sinabi ni Gatchalian na sa inisyal nilang mga impormasyon, lumilitaw na may problema sa ilang lugar sa bansa dahil sa magkakaibang lenggwaheng ginagamit.
Iginiit ng senador na may mga lugar na nagiging paraan pa ng diskriminasyon sa ibang mag-aaral na hindi sanay sa pagsasalita ng regional language ang implementasyon ng programa.
Binigyang-diin ng senador na sa ilang lalawigan, ginagamit nilang lenggwahe sa pagtuturo ay ang regional language na hindi naman naiintindihan ng ibang mga estudyante.
Nangako naman ang chairman ng Senate Committee on Basic Education na magsasagawa mg mga pagdinig hinggil dito upang makabalangkas ng mga bagong polisiya para sa kapakanan ng mga mag-aaral. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News