dzme1530.ph

Implementasyon ng Maharlika Investment Fund, ‘di aabutin ng 2 taon

Inaasahan ni Sen. Mark Villar na hindi aabutin ng dalawang taon ang ganap na pagpapatupad ng panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ginawa ng sponsor ng MIF bill sa senado ang pahayag matapos tanggapin at aprubahan ng Kamara ang bersyon ng Senado ng naturang panukala.

Ayon kay Villar, tiwala siyang mabilis na kikilos ang executive branch para mabuo ang Maharlika Investment Corporation (MIC) na siyang mangangasiwa sa pondo.

Handa na aniya ang pambansang pamahalaan na ipatupad ang MIF bill.

Una nang giniit ng mambabatas na hindi isang political move ang pagpapasa ng MIF bill.

Bagkus, isa aniya itong hakbang para matulungan ang bansa na magkaroon ng dagdag na resources, na kailangang-kailangan ngayon ng gobyerno. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author