dzme1530.ph

Imbestigasyon ng kongreso sa blackout sa Panay Island, suportado ng DOE

Suportado ng Dep’t of Energy ang nakaambang imbestigasyon ng kongreso sa blackout sa Panay Island.

Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, hihilingin niya sa kongreso na magsulong ng mga reporma sa polisiya ng energy sector upang matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa bansa.

Pag-aaralan din ng DOE ang schedules ng maintenance shutdown ng lahat ng planta.

Kasabay nito’y tiniyak ni Lotilla na committed ang DOE na isakatuparan ang mga na-delay at mga bagong energy transmission projects.

Siniguro rin nito na gagawin ng gobyerno ang lahat ng hakbang upang maiwasang muling mangyari ang matagalang power outage sa Panay Island at sa anumang lugar sa bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author