dzme1530.ph

Ilang Pinoy sa Maui Island, Hawaii, nawawala

Aabot sa daan-daang Pilipino ang kabilang sa mahigit 1,000 indibidwal na nawawala sa wildfire sa Lahaina sa Maui Island sa Hawaii.

Ito ang inihayag ni Kit Zulueta Furukawa, Director ng Maui Filipino Chamber of Commerce.

Ayon kay Furukawa 17% o pangalawa ang Pinoy sa may pinakamalaking populasyon sa Isla,marami aniyang bahay na pag-aari ng mga pilipino ang natupok ng sunog.

nabatid na pumalo na sa 93 ang opisyal na bilang ng mga nasawi na posible pang madagdagan habang patuloy ang paghahanap sa mga labi at mga nawawala.

Sa datos, kinumpirma ni Hawaii Filipino-American Senator Gilbert Keith Agaran, na may mga Pinoy na kabilang sa nasawi.

Sa ngayon wala pa umanong opisyal na ulat sa nasasawing Filipino ang Department of Foreign Affairs (DFA) maging ang kumpirmasyon na may mga nawawala.

Sa kabuuan, ayon sa DFA, nasa 200,000 Filipino-Americans ang nakatira o nagtatrabaho sa estado ng Hawaii at 25,000 Fil-Ams dito ay naninirahan sa Maui.

About The Author