dzme1530.ph

Ilang opisyal ng pamahalaan, dawit sa umano’y pagmamanipula sa presyo ng sibuyas

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng mga reklamo laban sa ilang indibidwal, kabilang ang mga opisyal ng pamahalaan, kaugnay ng umano’y manipulasyon sa presyo ng sibuyas noong 2022.

Sa media briefing, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na pagkatapos ng imbestigasyon ay inirekomenda ng NBI ang pagsasampa ng reklamo laban sa anim na personalidad bunsod ng hoarding at profiteering.

Sa bahagi ni Justice Undersecretary Geronimo Sy, pinuno ng Investigation Task Group on Agri-Smuggling, inihayag nito na nag-ugat ang reklamo sa isang private cooperative na nagbenta ng sibuyas ng mahigit P500 kada kilo noong Disyembre.

Inihayag ng DOJ na ilalabas nila ang mga pangalan ng mga sangkot na indibidwal sa sandaling matapos nila ang pagre-review sa rekomendasyon.

Idinagdag ni Remulla na pinag-aaralan din nila na sampahan ng economic sabotage ang mga naturang personalidad. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author