dzme1530.ph

Ilang miyembro ng HNP ni VP Sara Duterte, nag-ober da bakod sa Lakas-CMD ni Speaker Romualdez

Nalagasan ng ilang miyembro ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Vice President Sara Duterte at nag-ober da bakod sa Lakas-CMD ni Speaker Martin Romualdez.

Pinangunahan ni Davao Oriental Vice Governor Nelson Dayanghirang Jr. ang limang provincial board member’s ng lalawigan para manumpa sa harap ni Romualdez.

Si Dayanghirang na dating miyembro ng Nacionalista Party ay kilalang kaalyado ng mga Duterte habang ilan sa mga board member ay mga miyembro ng HNP.

No comment naman ang bise presidente sa naturang paglipat ng partido ng mga politiko. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author