Patuloy na umiiral ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Patrick del Mundo, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Romblon at northern portion ng Palawan.
Asahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, habang mataas ang tiyansa ng biglaang pagbuhos ng ulan sa hapon o sa gabi dala ng localized thunderstorms na mas pinapadalas ng hanging habagat.