Napanatili ng bagyong Goring ang lakas nito habang nasa karagatan ng Pilipinas at patuloy na tinatahak ang silangang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 220 kilometers silangang timog-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ng mabagal ang bagyo pa-timog-kanluran.
Sa ngayon, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 sa Batanes, eastern portion ng Babuyan Islands at mainland Cagayan, gayundin sa northeastern portion ng Isabela.
Asahan anila ang malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.
Maaari ring palakasin ng bagyo ang Southwest Moonsoon o Hanging Habagat, na magdadala ng maulang panahon sa western portion ng central southern Luzon, bukas, Sabado, at western portion ng Visayas sa araw ng linggo.