dzme1530.ph

Ilang Kongresista, pumalag sa “EDSA-pwera” TV Commercial

Kinuwestiyon ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang paggamit ng salitang “EDSA-pwera” sa patalastas sa telebisyon.

Naniniwala si Lagman na posibleng isa ito sa mga paraan ng Pamilya Marcos para siraan ang EDSA People Power Revolution na nagbigay daan para sa 1987 Constitution.

Sa bahagi naman ni ACT Teachers Rep. France Castro, nais niyang paimbestigahan kung sino ang nag-pondo sa video advertisement.

Sagot ng PIRMA Legal Counsel na si Atty. Quimen Manger, wala aniyang public funds na ginamit sa naturang patalastas at lahat ng pondo ay mula sa pribadong sektor na nagsusulong ng pagbabago sa saligang batas sa pamamagitan ng People’s Initiative. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author