Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Maynila hinggil sa mga kalsada na pansamtalang isasara sa kapistahan ng poong itim na Nazareno.
Ito’y dahil sa inasahang pagdagsa ng milyun-milyung deboto na makikiisa sa Traslacion.
Sa abiso ng Manila LGU, sarado para sa mga motorista mula alas-9:00 ng gabi ng January 8 hanggang January 9, 2024 ang kahabaan ng Bonifacio Drive mula Anda Circle patungong P. Burgos Avenue.
Gayundin ang Katigbak at South Drive; bahagi ng Roxas Blvd. mula Katigbak patungong U.N. Ave.
Isasara rin ang kahabaan ng P. Burgos mula Roxas Blvd. papunta ng Jones, McArthur, at Quezon Bridge.
Hindi rin madaraan ang Finance Rd. mula P. Burgos Ave. patungong Taft Ave.; Ma. Orosa St. mula TM. Kalaw hanggang P. Burgos Avenue.
Taft Ave. mula U.N. Ave. patungong P. Burgos Ave.; Romualdez St. mula U.N Ave. papuntang Ayala Blvd.
Ayala Ave. mula Taft Ave. papuntang Romualdez St.: C. Palanca St. mula P. Casal patungong Plaza Lacson at kabila nito hanggang makarating ng Arlegui Street.
Sarado rin ang Legarda St. mula CM. Recto Ave. patungong Arlegui St.; kahabaan ng Quezon Bivd. mula Fugoso St papunta ng Quezon Bridge at Westbound Lane ng España BIvd. mula P. Campa hanggang Lerma Street.
Pinapayuhan naman ang mga motorsita na dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala sa kanilang biyahe. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News