dzme1530.ph

ILANG FILIPINO CELEBRITIES, PINARANGALAN SA DUBAI

Loading

Kinilala ang husay at impluwensya ng ilang mga Pilipino sa ginanap na The Global Filipino Icon Awards 2026, sa Dubai, sa United Arab Emirates.

 

Kabilang sa pinarangalan sina dating Miss Universe Catriona Gray na tumanggap ng Global Icon for Beauty, Advocacy and Culture Award, at Piolo Pascual na ginawaran ng Lifetime Achievement and Global Representation Award. 

 

Tumanggap din ng parangal si Atom Arraullo para sa Public Service Journalism at si Zeinab Harake bilang Empowered Woman of the New Generation.

 

Ayon sa Filipino Global Magazine, layunin ng awards na kilalanin ang influence and contribution ng mga Pinoy sa global community.

About The Author