Nagpositibo sa Toxic Red Tide o paralytic shellfish poison ang ilang baybayin sa bansa.
Kabilang dito ang baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Pinaalalahanan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish, acetes o alamang na makukuha mula sa mga nasabing lugar.
Pero, maaari naman kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t ito ay huhugasan at lulutuing mabuti.