dzme1530.ph

Ilang bata mula sa ipinasarang Gentle Hands Orphanage sa QC, nakitaan ng masamang asal

Nakitaan ng masamang asal ang ilang batang inampon mula sa ipinasarang Gentle Hands Incorporated Orphanage sa Quezon City.

Ayon sa National Authority for Child Care, nasa tatlong bata ang nagpakita ng disruptive behavior, kabilang ang isang batang napag-alamang ikinulong sa banyo ng ilang oras ang kanyang adoptive father.

Ang isa naman ay limang beses na hinabol ng saksak ang kanyang mga magulang.

Ang pangalawang bata ay kasalukuyang nasa isang mental institution sa America, at pauuwiin na ito ng Pilipinas ngayong linggo.

Samantala, iniimbestigahan pa ang kaso ng ikatlong bata, ngunit ang mga umampon dito ay nag-reklamo na umano sa US State Dep’t at Hague Convention.

Sinabi ni DSWD Usec. Janella Estrada na maaaring bunga ito ng hindi pagiging handa ng mga bata sa mga aspetong mental, pisikal, at emosyonal.

Matatandaang sinilbihan ng Cease and Desist Order ang Gentle Hands dahil sa overcapacity, paglabag sa fire code, kawalan ng presensya ng social workers, at iba pang violation. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author