dzme1530.ph

Ilang bahagi ng EDSA Busway, isasara para isailalim sa emergency repairs

Pinayuhan ng department of public works and highways (DPWH) ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta dahil sa isasagawang emergency repairs sa ilang bahagi ng EDSA Busway.

Sa Advisory, sinabi ng DPWH na ang Northbound at Southbound sections ng EDSA Bus Carousel mula Balintawak hanggang Buendia Ave. ay isasailalim sa repair simula mamayang alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga ng Lunes, Agosto a-7.

Ito’y makaraang maobserbahan ang pinsala na dulot ng walang tigil na ulan bunsod ng habagat at mga nagdaang bagyo.

Magsasagawa ang DPWH-National Capital Region ng pag-a-aspalto at concrete reblocking sa damaged portions ng EDSA Bus Carousel upang matiyak ang ligtas at maginhawang biyahe ng mga commuter.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author