dzme1530.ph

Ikalawang pagdinig sa anomalya sa flood control projects, umarangkada na!

Loading

Umarangkada na ang ikalawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.

Sa pagsisimula pa lamang ng pagdinig, sinita na ni Committee chairman Senador Rodante Marcoleta ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa kabiguan nitong magsumite ng kumpletong listahan ng sinasabing ghost projects.

Ayon kay Marcoleta, nangako si resigned DPWH Secretary Manny Bonoan na isusumite ang talaan, ngunit ang natanggap lamang ng komite ay dalawang programa.

Batay sa impormasyon ng senador, nasa P7.2 bilyon ang halaga ng mga ghost project sa lalawigan ng Bulacan na kailangang kumpirmahin ng DPWH.

Pinagsabihan din ni Marcoleta ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) na ipaliwanag ang sinasabing conflict of interest sa kanilang ahensya matapos lumitaw na dalawa sa mga board member nito ay contractor din.

Sa Commission on Audit (COA) naman, pinalabas ni Marcoleta ang resulta ng kanilang fraud audit, dahil mahalaga itong ibahagi sa imbestigasyon.

About The Author