Epektibo na ngayong araw ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ng ilang kumpaniya ng langis.
P1.90 ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang P1.50 per liter ang dagdag-presyo sa diesel.
Nasa P2.50 naman ang idinagdag sa kada litro ng kerosene o gaas.
Ito na ang ika-anim na sunod na linggo na nagpatupad ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Iniuugnay ang big-time oil price hike sa pagpapalawig ng Saudi Arabia sa 1 million barrels per day production cut na aabutin hanggang Setyembre.