dzme1530.ph

Ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andress Bonifacio sinabayan ng kaliwa’t kanang kilos-protesta

Nagkasa ng kaliwa’t-kanang kilos protesta ang iba’t-ibang grupo kasabay ng ika-160 anibersaryo ng araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Ang mga nasabing grupo ay nagsimula ng kanilang mga kilos protesta sa may bahagi ng Kalaw Avenue saka sinubukang mag-martsa patungong US Embassy.

Pero, hindi na sila pinayagan pa ng mga tauhan ng MPD na maagang nag-deploy ng mga tauhan.

Pinayagan na lamang silang magkasa ng programa pagkalagpas sa kanto ng Kalaw at Del Pilar Street.

Matapos ang kanilang programa dito sa Kalaw, tutungo sila kasama ang iba pang grupo sa Mendiola para ipagpatuloy ang programa.

Bantay sarado naman ng MPD ang sitwasyon at minomitor rin ang ibang grupo na magtutungo sa Maynila para makibahagi sa kilos protesta. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author