dzme1530.ph

Iba pang paliparan sa bansa, posibleng magkaroon din ng OFW Lounge

Balak ding patayuan ng Overseas Filipino Worker (OFW) Lounge ang iba pang paliparan sa bansa.

Bukod sa nauna nang OFW Lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ay balak din lagyan ng lounge area ang NAIA Terminal 3, Clark Airport, at iba pa.

Ayon sa Department of Migrant Workers, para ito sa mga OFW dahil na nagsusumikap makatulong sa kanilang pamilya, kahit malayo sa bansa.

Sa ngayon ay ekslusibo lamang ang OFW Lounge para sa mga manggagawa abroad at kanilang mga pamilya. DZME News

About The Author