dzme1530.ph

Human-to-human transmission ng bird flu sa Cambodia, pinabulaanan

Nilinaw ng Cambodian Health Authorities na walang human-to-human transmission ng Bird flu sa kaso ng mag-ama na tinamaan ng virus.

Nasawi noong nakaraang Miyerkules ang 11-taong gulang na babae at nagpositibo naman sa virus ang kanyang ama makalipas ang dalawang araw.

Bunsod nito, nabahala ang World Health Organization tungkol sa posibleng transmission ng bird flu sa mga tao.

Inihayag ng Communicable Disease Control Department ng Cambodia na naka-rekober na at nakalabas na ng ospital ang 49- anyos na ama na wala namang naranasang sintomas.

Ayon sa WHO, sa nakalipas na dalawang dekada ay umabot na sa 900 ang kumpirmadong H5N1 cases sa mga tao at mahigit 450 na ang namatay.

About The Author