dzme1530.ph

Huling working day ng Nov. kada taon, idineklarang “National Bike–to–Work Day”!

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang huling working day ng Nobyembre kada taon bilang “National Bike–to–Work Day”.

Sa proclamation no. 409, ipinabatid sa publiko ang kagandahan ng pagbi-bisikleta bilang “mainstream mode” ng transportasyon.

Layunin din nitong isulong ang balanse sa pag-unlad at pangangalaga sa kapaligiran, at pagpapanatili ng magandang kalidad ng hangin para sa kalusugan ng publiko.

Kaugnay dito, inatasan ang Inter-Agency Technical Working Group on Active Transport ng Dep’t of Health na pangunahan ang paggunita ng National Bike-to-Work Day sa tulong ng non-gov’t at civil society groups, at tukuyin ang mga programa, proyekto, at aktibidad.

Hinikayat din ang lahat ng national gov’t agencies, State Universities and Colleges, mga lokal na pamahalaan, at pribadong sektor na suportahan ang National Bike-to-Work Day. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author