dzme1530.ph

Hukom na nagpalaya kay Leila De Lima, paboritong estudyante ng dating senador, ayon kay Atty. Harry Roque

Ibinunyag ni Atty. Harry Roque na dating estudyante ni dating Senador Leila De Lima si Judge Gener Gito ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206.

Si Gito ang hukom na kumatig sa bail petition ng dating mambabatas, kaya ito nakalaya makalipas ang mahigit anim na taong pagkakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame bunsod ng drug charges.

Sinabi ni Roque sa kanyang social media video post, na isa si Gito sa mga paboritong estudyante ni De Lima noong nagtuturo pa ito sa San Beda College of Law.

Nilinaw ng dating presidential spokesperson na hindi naman niya sinasabing pumanig ang hukom sa dati nitong propesor subalit sana ay ipinagbigay-alam nito sa prosecutors ang espesyal na ugnayan nito kay De Lima. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author