dzme1530.ph

House Speaker pabababain sa puwesto kung mapatunayang nasa likod ng P.I —Rep. Marcoleta

Nangako si Cong. Rodante Marcoleta na hihilingin niya mismo ang pagbaba sa pwesto ni House Speaker Martin Romualdez kung mapapatunayan sa imbestigasyon ng Senado na ang lider ng Kamara ang nasa likod ng pekeng People’s Initiative.

Sa pagdinig na pinangunahan ni Senador Imee Macos, inamin ni Marcoleta na masama ang kanyang loob dahil nagiging kontrabida na ngayon ang Kamara sa isyu ng PI.

Bilang myembro anya ng Kamara ay hindi niya maalis na magdamdam sa mga patutsada ng mga senador sa mga kongresista lalo na sa kanilang Speaker.

Sinabi ng kongresista sa mga senador na sakaling mapatunayan sa pagdinig na ito na si Romualdez ang nagkumpas at nagpondo sa People’s Initiative ay posibleng hilingin niya ang pagbaba sa pwesto ng Speaker.

Pero kung hindi naman si Romualdez ang nasa likod ng initiative ay iminungkahi ng kongresista na mag-concentrate ang mga senador kay Atty. Anthony Abad.

Ang pangalan ni Abad ang nakalagay sa petition form para sa pangongolekta ng lagda sa pagsusulong ng People’s Initiative para sa charter change.

Dahil dito, ipinagutos na ni Electoral Reforms Chair Senator Imee Marcos ang pagsubpoena kay Abad pero batay sa impormasyong nakarating  sa komite ay nasa ibang bansa ito ngayon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author