dzme1530.ph

House Speaker may apela sa pamilya Duterte: “konting galang naman”

Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Duterte na tigilan na ang aniya’y “budol-budol stories” na batid ng marami na walang katotohanan.

Kasabay nito, hinamon ni Romualdez si ex-President Rodrigo Duterte, at anak na si Mayor Sebastian Duterte na ilabas sa publiko ang lahat ng pruweba sa kanilang ibinibintang kay Pang. Ferdinand Marcos Jr..

Tinawag ng House leader na “budol-budol stories from Davao” ang mga paninira ng mag-amang Duterte na hindi naman aniya kayang patunayan.

Mensahe nito, kung walang mailabas na pruweba sa panawagang mag-resign ang Pangulo, ay mag isip-isip muna.

Apila nito, “sa pamilya Duterte, konting galang naman sa ating Pangulo at sa pamilya niya, dahil noong panahon ng rehimen ninyo, iginalang naman kayo.”

Tahasang sinabi ni Romualdez na nagtatrabaho ng maayos ang Pangulo para mapabuti ang pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Masyado pa aniyang maaga para naisin na pabagsakin ang administrasyong Marcos na popular at inihalal ng mahigit 31-million Filipino, higit na malaki kumpara sa mandate o boto na nakuha ng dating Pang. Duterte.

About The Author