dzme1530.ph

Hong Kong singer na si Coco Lee, pumanaw sa edad na 48

Pumanaw na ang Hong Kong singer na si Coco Lee sa edad na 48.

Sa Facebook post, sinabi nina Carol at Nancy, na na-diagnose ang kanilang kapatid na mayroong depression, ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon sa magkapatid, bagaman humingi ng professional help si Coco at ginawa naman nito ang lahat para labanan ang depresyon, ay hindi nito napagtagumpayan ang labis na kalungkutan na lumukob sa kanyang pagkatao.

Nagtangkang mag-suicide si Coco sa kanilang bahay noong linggo at na-comatose bago tuluyang binawian ng buhay kahapon.

Sumikat ang “Before I Fall in Love” singer makaraang makapasok sa US music charts ang kanyang single na “Do You Want My Love.”

Siya rin ang umawit ng best original song na na-nominate sa Oscars na “A Love Before Time” mula sa pelikulang “Crouching Tiger, Hidden Dragon.” —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author