dzme1530.ph

Hiwalay na imbestigasyon sa akusasyong katiwalian laban sa LTO Chief isinagawa ng DOTr

Ipinag-utos na ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang imbestigasyon hinggil sa sinasabing katiwalian laban kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II.

Ayon kay Bautista, inatasan na niya si Mendoza na magsumite ng paliwanag at komento ukol sa nasabing alegasyon para sa maayos na disposisyon at nararapat na rekomendasyon sa Pangulo.

Partikular ang reklamong inihain ng transportation group na Federated Land Transport Organizations of the Philippines (FELTOP).

May kaugnayan umano ito sa sinasabing katiwalian sa digitalization sa LTO.

Tiniyak naman ng kalihim na kanilang isasapubliko ang resulta ng kanilang imbestigasyon. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author