dzme1530.ph

Hirit na pisong “surge fee” ng transport groups, ibinasura ng LTFRB

Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong “surge fee” na ipinanukala ng ilang transport groups upang matugunan ang tumataas na presyo ng petroleum products.

Sa halip, inanunsyo ng LTFRB na mamamahagi ito ng P2.9-B na halaga ng fuel subsidy sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers.

Inamin ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na nalalakihan siya sa “surge fee” at kahit aniya piso lang ay masyadong masakit ito sa bulsa ng mga mananakay.

Inihayag ni Guadiz na “void” o wala nang bisa ang naturang petisyon makaraang panibagong kahilingan na P2.00 dagdag-pasahe sa iba’t ibang moda ng transportasyon ang inihain sa gitna ng pagsirit ng presyo ng petrolyo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author