Ibinasura ng House Committee on Ethics ang hirit ni Pamplona Mayor Janice Degamo na patalsikin sa kamara si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Ayon kay House Committee on Ethics Chairman COOP–NATCCO Partylist Rep. Felimon Espares, kulang sa porma at content ang liham na ipinasa ng alkalde.
Mayroon din aniyang napakaraming requirements na dapat sundin sa panuntunan ng komite.
Naipaliwang na rin ani Espares kay Mayor Degamo na bukod sa may napuna sa kaniyang liham ay “unsworn” din o hindi sinumpuan ang reklamo nito.
Matatandaang sinuspindi ng 60-araw ng kamara si Teves sa “disorderly behavior” nito o pagtanggi na umuwi at gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang mambabatas. —sa panulat ni Joana Luna