dzme1530.ph

Hinihinalang mga piraso ng mga ngipin at buto, narekober sa isa pang septic tank sa Bilibid

Isiniwalat ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr.  na naka-rekober ang forensic team mula sa University of the Philippines ng mga piraso ng tila mga ngipin at buto mula sa isa pang septic tank sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Catapang na umaasa sila na mailalabas ngayong weekend o sa pagpasok ng susunod na linggo ang resulta ng mga natagpuang fragments na tila ngipin o  buto ng tao sa pangalawang septic tank sa Bilibid.

Inihayag din ng BuCor Chief na ipinag-utos na niya ang pagsipsip sa ikatlong septic tank sa NBP.

Ini-inspeksyon ng mga otoridad ang tatlong septic tanks sa loob ng pambansang piitan kasunod ng mga alegasyon na ginamit ang mga ito bilang mass graves. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author