dzme1530.ph

Hindi pagsang-ayon ng Timor-Leste sa hiling na political asylum ni Cong. Arnie Teves, pinuri ni House Speaker Romualdez

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagtanggi nito sa kahilingan ni Cong. “Arnie” Teves Jr. na political asylum.

Ayon kay Romualdez, tama at maayos ang ginawa ng Timor-Leste sa hindi pagpabor sa kahilingan ng suspendidong kongresista.

Sinabi rin ng House Speaker, na nakatulong ang kahilingan ni Teves para sa special asylum dahil mula sa 30-araw na maaaring manatili siya sa Timor Leste ay napaiksi ito ng limang araw.

Sa madaling salita aniya kailangan nang maghanap ng ibang bansa ni Teves na kukupkop sa kaniya ng mabilis.

Una nang sinabi ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na ang hakbang ng departamento na i-tag si Teves bilang isang terorista ang posibleng magpabalik sa kaniya sa Maynila para sumuko.

About The Author