Tinanggihan ng Timor-Leste ang hiling na Asylum ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ayon sa Department of Foreign Affairs.
Sa statement, sinabi ng DFA na kasabay ng pag-deny sa aplikasyon ni Teves ay binigyan ng Timor-Leste Government ang suspendidong mambabatas ng limang araw para umalis sa kanilang bansa.
Sa naturang panahon ay mayroon ding option si Teves na maghain ng apela hinggil sa desisyon.
Una nang ibinunyag ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na nagtungo sa Timor-Leste si Teves noong nakaraang linggo para humiling ng Special Asylum status.