dzme1530.ph

Higit P76-M halaga ng Cocaine, nasabat sa NAIA terminal 3 mula Doha, Qatar

Aabot sa higit P76-M halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga operatiba ng PDEA-IADITG at NAIA Customs dala ng dalawang babaeng Singaporean national sa NAIA Terminal 3 mula Doha Qatar.

Nadiskubre ang mga cocaine na inilagay sa animo’y malalaking capsule sa lata ng biscuits, canister, at mga boxes na inilagay sa ilalim ng kanilang luggage.

Naaresto naman ang dalawang mag inang pasahero na isang 63 yrs old at isang 39 yrs old kapwa mga Singaporean national na sakay ng Qatar Airways Flight QR 928.

Kabuuang 14,360 grams ang timbang ng mga nasabat na cocaine na may street value na aabot sa P76,108,000.00.

Naiturn-over na sa PDEA-IADITG ang mga nasabat na cocaine para karagdagang imbestigasyon, habang dadalhin Naman Ang dalawang dalawang naarestong mag Ina sa PDEA main sa Quezon City. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author