dzme1530.ph

Higit P67.3-M halaga ng hinihinalang shabu mula Africa, nasabat ng Customs at NAIA-PDEA sa isang warehouse

Aabot sa higit P67.3-M ng hinihinalang shabu mula sa isang package ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG Inter Agency Drug Interdiction Task Group sa isang warehouse sa NAIA Complex mula Africa.

Sa initial report ng Customs at NAIA-PDEA nadiskobre ng customs examiner na si Garry Burgos ang laman ng package matapos itong idaan sa x-ray machine at inupuan din ito ng K9 dog.

Idineklarang spare parts ang laman ng nasabing package na padala mula Mozambique, Africa na naka-consignee naman sa naarestong claimant na si Gayzel Marie Sabile, 40-years old, isang Beautician at residente ng San Andres ext. Sta Ana Manila.

Ang mga paki-pakiteng shabu ay inilagay sa sampung aluminum Pulley na naka box at inilagay sa isang malaking kahon na tumitimbang ng 9,898 grams na may street value na aabot sa P67,306,400,00 ang kabuuang halaga nito.

Dumating si Customs Commissioner Benbenido Rubio at NAIA district collector Atty. Yasmin Mapa sa warehouse kung saan pinapurihan ang mga tauhan nito sa matagumpay ng pagkakasabat sa mga iligal na droga na tangkang ipuslit papasok sa bansa.

Naiturn-over narin ng Custom’s port of NAIA ang mga illegal drugs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposition. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author