dzme1530.ph

Higit 11.8-M enrollees, naitala ng DepEd para sa S.Y. 2023-2024

Nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng mahigit 11.8 million enrollees para sa School Year 2023-2024.

Ito ay matapos ang mahigit isang linggo mula nang umarangkada ang enrollment period sa mga pampublikong paaralan.

Sa pinakahuling datos ng kagawaran, umabot na sa 11, 820, 159 ang enrolled students para sa nalalapit na pasukan sa Aug. 29.

Base sa SY 2023-2024 Learner Information System Quick Count, pinakamataas ang enrollees sa National Capital Region na may 1, 816, 469; CALABARZON na may 1, 762, 095; at sinundan ng Central Luzon na may 1, 378, 741 na mag-aaral.

Kasunod nito, nagpaalala ang Education Department sa mga magulang, tagapag-alaga at sa mga estudyante na maaari pang humabol sa enrollment hanggang Aug. 26. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author