Kasado na sa Marso 2024 ang high level us presidential trade and investment mission sa Pilipinas.
Sa kanyang Arrival Statement matapos ang 6-day working visit sa America, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na darating sa bansa ang high-level business delegation na binuo mismo ni US President Joe Biden.
Titingnan nila ang mga oportunidad sa Pilipinas sa pag-iinvest at pag-ooperate ng negosyo sa iba’t ibang sektor.
Ito rin ang magiging kauna-unahang US Presidential High-Level Business Delegation na pupunta sa Pilipinas.
Umaasa si Marcos na ito ang magbibigay-daan sa pagsasakatuparan ng investment partnerships na nabuo sa kanyang US Trip, at ito ay nakikitang lilikha ng libu-libong direct at indirect jobs para sa mga Pilipino. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News