dzme1530.ph

Hidilyn Diaz, pangungunahan ang team na sasabak sa World Championships sa Riyadh

Pangungunahan ni Tokyo Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz ang 7-member team sa World Weightlifting Championship na itinakda sa Sept. 4 hanggang 17 sa Riyadh, Saudi Arabia, kung saan mangongolekta ang mga atleta ng qualifying points para sa 2024 Paris Olympics.

Bukod kay Diaz, kabilang din sa team ang Tokyo Olympian na si Elreen Ando, Asian at World Junior Champion na si Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza, Rosegie Ramos, Lovely Inan at Kristel Macrohon.

Mula sa pito, sina Diaz, Sarno at Ceniza ang mayroong mataas na tiyansa na makapasok sa Quadrennial event dahil sa kasalukuan ay nasa Top 10 sila sa kani-kanilang dibisyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author