dzme1530.ph

Hibla ng buhok at dugo na nakuha sa sasakyan, nag-match sa DNA profile ng mga magulang ni Catherine Camilon

Nag-match ang hibla ng buhok at dugo na narekober mula sa abandonadong sasakyan na iniuugnay sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon sa DNA profile na ibinigay ng kanyang mga magulang.

Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Major General Romeo Caramat Jr., nangangahulugan ito na tugma ang kanilang findings sa statement ng mga testigo.

Aniya, hindi nagsisinungaling ang mga witness sa kanilang salaysay na nakita nila si Camilon na binubuhat ng mga suspek habang inililipat ng sasakyan at duguan.

Una nang kinasuhan ng PNP ng Kidnapping at Serious Illegal Detention sina Police Major Allan de Castro, kanyang driver/bodyguard na si Jeffrey Magpantay, at dalawa pang John Does, kaugnay ng pagkawala ng beauty queen.

Inamin ni De Castro na mayroon silang bawal na relasyon ni Camilon, subalit nananatiling tikom ang bibig nito hinggil sa krimen. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author