dzme1530.ph

Hepe ng Mandaluyong police, sinibak sa puwesto matapos magpositibo sa drug test

Sinibak sa puwesto ang Chief of Police ng Mandaluyong City makaraang magpositibo sa iligal na droga, ayon sa Eastern Police District.

Ayon kay EPD Director Police Brig. Gen. Wilson Asueta, positive ang resulta ni Col. Cesar Gerente sa isinagawang suprise drug test kamakailan ng Natonal Capital Region Police Office.

Isinailalim si Gerente sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng NCRPO Regional Personnel Records Management Division habang wala pang resulta ang kanyang confirmatory test.

Isinurender din nito ang kanyang service firearms at inatasang magsumite ng paliwanag.

About The Author