Ilang lugar sa Bicol Region at Western Visayas ang nakaranas ng heat index na 46°C, kahapon, ayon sa PAGASA.
Naitala ang pinakamataas na computed heat index sa Masbate City; Daet, Camarines Sur, at Catarman, Northern Samar.
Kaparehong heat index ang tinaya naman sa Roxas City, sa Capiz, ngayong Huwebes.
Ipinaliwanag ni PAGASA senior weather specialist Raymond Ordinario na ang mga naninirahan sa mga isla ay mas madaling maapektuhan ng mataas na heat index.
Ito, aniya, ay dahil napapalibutan sila ng tubig, kung saan mas maraming moisture na naaabsorb at inilalabas sa hangin.