dzme1530.ph

Heat index sa 17 lugar sa bansa, umakyat sa dangerous level

17 na lugar ang nakapagtala ng mataas o ‘dangerous level’ na heat index, kahapon.

Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur na 45°C.

Kabilang din sa mga nakapagtala ng napakainit na temperatura ang Dipolog, Zamboanga del Norte na 44°C;

43°C sa Clark Airport, Pampanga; Dagupan City, Pangasinan; Iba, Zambales; San Jose, Occidental Mindoro.

Habang uminit din sa 42°C sa bayan ng Ambulong, Tanauan, Batangas; Aparri, Cagayan; Butuan City, Agusan del Norte; Cotabato City, Maguindanao; Dauis, Bohol; Legazpi City, Albay; Ninoy Aquino International Airport, Pasay City; Puerto Princesa City, Palawan; Roxas City, Capiz; Sangley Point, Cavite; at Tacloban City, Leyte.

Paliwanag ng PAGASA, ma-ikukonsiderang nasa danger category ang isang lugar na may heat index na 42°C hanggang 54°C.

Pinag-iingat naman ng PAGASA ang publiko sa posibleng heat cramps, heat exhaustion na posibleng humantong sa heat stroke, tuwing nasa ‘dangerous level’ ang temperatura.

About The Author