dzme1530.ph

Hearing sa alegasyong Plagiarism laban kay Ed Sheeran, sinimulan na

Nagsimula na ang jury selection para sa hearing upang matukoy kung kinopya nga ba ng British Pop Star na si Ed Sheeran ang “Let’s Get it On” ng American music legend na si Marvin Gaye, para sa kanyang 2014 hit na “Thinking Out Loud.”

Ang mga complainant ay tagapagmana ni Ed Townsend, isang musican at producer na kasamang nagsulat ni Gaye ng 1973 soul classic.

Iginiit ng mga complainant na mayroong “striking similarities and overt common elements” sa pagitan ng sultry classic ni Gaye at “Thingking Out Loud” ni Sheeran.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na humarap sa korte si Sheeran bunsod ng Copyright lawsuit.

Tumestigo siya sa London Court noong Abril ng nakaraang taon, dahil naman sa kanyang kanta na “Shape of You.”

About The Author