Pinag-aaralan ni Health Secretary Ted Herbosa na i-hire ang mga hindi pa lisensyadong nursing graduates para makapag-trabaho sa gobyerno, sa kondisyong ipapasa nila ang board exam sa itinakdang panahon.
Ito aniya ay upang matugunan ang isyu ng healthcare workers na nangingibang bansa para sa mas mataas na suweldo.
Inihayag ni Herbosa na kinausap niya ang isang opisyal mula sa Professional Regulation Commission upang malaman kung paano mapupunan ang 4,500 na bakanteng nursing position sa gobeyrno.
Sinabi ng bagong DOH Chief na handa ang pamahalaan na i-employ ang unlicensed nursing graduates kung ang kanilang mga diploma ay mula sa accredited nursing schools.
Kung papayagang makapagtrabaho sa gobyerno, tinaya ni Herbosa sa P35,000 hanggang P40,000 ang starting salary ng nursing graduates. —sa panulat ni Lea Soriano