dzme1530.ph

Health Sec. Ted Herbosa, balak magpadala ng bivalent COVID-19 vaccines sa mga evacuation center sa Albay

Nais ni Health Secretary Ted Herbosa na dalhin ang ilang bivalent COVID-19 vaccines sa mga evacuation center sa Albay upang tulungang maprotektahan ang vulnerable populations laban sa virus.

Sa gitna ito ng pagaalboroto ng Mayon Volcano na kasalukuyang nasa ilalim ng Alert level 3.

Pinag-iingat din ni Herbosa ang mga residente at mga turista sa mga posibleng panganib sa kalusugan dulot ng pagkakalanghap ng sulfur dioxide o ashfall na ibinubuga ng bulkan.

Paliwanag ng kalihim, ang sulfur dioxide ay nakalalason ng dugo habang ang alikabok ay dumidikit sa baga, kaya makabubuting magsuot ng N95 mask bilang proteksyon. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author