Umiiral pa rin ang Hanging Habagat sa bahagi ng Luzon at Visayas, na pinalalakas ng bagyong Falcon na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ang bagyo sa layong 715 kilometro ng hilaga-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Dahil dito, ayon sa PAGASA, patuloy na makararanas ng pabugso-bugsong pag-uulan sa Ilocos Region, Zambales at Bataan.
Asahan naman ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog-pagkidlat sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa nalalabing bahagi ng bansa dulot naman ng Localized Thunderstorms.
Sa kasalukuyan, ayon pa sa PAGASA, wala pa silang namamataang low pressure area (LPA) sa loob at labas ng bansa.