Patuloy na magdadala ng pag-uulan ang umiiral na Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa bahagi ng Luzon.
Dahil dito, ayon sa PAGASA, patuloy na mararanasan ang pabugso-bugsong pag-uulan sa Pangasinan, Zambales at Bataan.
Asahan naman ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog-pagkidlat sa Cordillera, Batanes, Babuyan Islands, Occidental Mindoro, at sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Central Luzon.
Inaasahan namang magiging maaliwalas ang panahon sa Metro Manila, ngunit posible pa rin ang pulu-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa hapon o sa gabi dulot ng localized thunderstorms.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 31°C habang sumikat naman ang haring araw 5:40 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:24 ng gabi.