dzme1530.ph

Hanggang 11-oras na water service interruptions ng Maynilad, naranasan ng ilang customer sa Metro Manila

Nagsimula na kagabi ang ipinatupad na 9 hanggang 11-oras na water service interruptions ng Maynilad sa ilang lungsod sa Metro Manila.

Apektado ng kakulangan sa suplay ng tubig ang mga customer ng Maynilad mula sa iba’t-ibang barangay sa Quezon City, Caloocan City, Malabon City, Navotas City, Valenzeula City at Maynila, simula alas-7 kagabi hanggang alas-6 kaninang umaga.

Una nang sinabi ng Maynilad na ang daily water service interruptions ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam at hindi pa tiyak kung hanggang kailan ito magtatagal.

Hanggang kahapon ng umaga nasa 178.21 meters na lamang ang antas ng tubig sa Angat dam, na 31 metro ang layo sa normal high operating level nito na 210 meters.

About The Author