dzme1530.ph

Halos P90-M na halaga ng mga barya, na-i-deposito sa pamamagitan ng Coin Deposit Machines

Simula nang ilunsad noong June 20, umabot na sa P87.4- M na halaga ng mga barya ang naideposito sa pamamagitan ng naturang makina mula sa mahigit 20,000 transactions, as of September 22, 2023.

Inilunsad ang Coin Deposit Machines (CoDMs) upang mahikayat ang publiko na ilabas ang mga baryang hindi nila ginagamit.

Matatagpuan ang coin deposit machines sa ilang piling malalaking malls sa bansa.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author