dzme1530.ph

Halos P100-M halaga ng mga pekeng alak, kinumpiska ng NBI

P96-M na halaga ng mga pekeng alak ang kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang mga operasyon sa limang lugar sa bansa.

Ayon sa NBI, kabuuang 6,562 bottles ng pekeng alcoholic beverages ang sinamsam sa iba’t ibang warehouses na matatagpuan sa Pasay, Parañaque, Maynila, Quezon City, at sa lalawigan ng Aklan.

Siyam na search warrants bunsod ng paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code ang isinilbi ng NBI sa mga warehouse, subalit wala namang naiulat na naaresto sa mga ikinasang operasyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author